8.09.2008

Nakakamiss

Madami na akong namimiss.

Miss ko na ang aking cellphone. Miss ko na ang magpakavain gamit 'yon. Miss ko na ang pagpindot lang nang pagpindot. Miss ko na ang pagbbluryooth ng pictures. Miss ko na yung pagkakaroon ng picture ng bawat place na pupuntahan ko or ng bawat event na nagaganap. Basta ganun. Nakakalungkot kaya yun. HAHA :)) Kasi naman ni walang camera itong gamit kong globe sa kasalukuyan. Wala lang. HAHA.

Miss ko na ang cherubim. Miss ko na ang pagmamadali tuwing dismissal time sa school kapag Tuesday dahil 5pm ang rehearsals. Miss ko na ang pagpipili ng damit na isusuot tuwing Friday dahil 3.10 ang dismissal at 5.30 pa ang cherubs. Miss ko na ang paghahanap ng piyesa sa bawat araw na ginawa ng diyos. Miss ko na ang times na tuwing aakyat ako ng AS steps at naka-uniform ako ay tinititigan ako ng former Theresians. Nakakaaliw kasi yung expression sa mukha nila. Parang, "O, sino ka? Bat ka nandito?". HAHA. Sana pagdating ng panahon ganun din expression ko. :} Anyway highway. Namimiss ko na rin si Tintin at si Ate Pam. HAHA. Miss ko na yung gabi-gabing pagtsitsikahan at pagkakaloka-lokahan namin ni Ate Pam. Miss ko na yun. Dapat magkita kami bago siya umali ulit. :}

Miss ko na sina Mama. Kasalukuyan kasi silang 4 nasa Pangasinan. Bukas pa ata yung uwi nila.

Miss ko na ang pakikinig sa mga kanta ni Colbie Calliat. Kasi sa computer na 'tong gamit ko now na, walang mga nakasave. Lahat nasa kabilang computer. At dahil diyan, miss ko na rin yung isang computer. HAHA. Labo.

--

Nakakatawa ako. Ako lang ata ang hindi pa magUUSTET. HAHA :)) Hindi ko pa sinusbmit yung form eh. :)) Tapos hindi ko matapos-tapos yung Ateneo Essay na yan. Grarr.