8.28.2008

Magaling, magaling, magaling.

NCAE kahapon. Napaka-useless naman. Jusko. Parang too late na na i-take yung test na yun. Anyway highway. Nasa Room 3 ako. Mga C, D, at E. Kaharap ko mismo si Max [amazing. :))] at tinitigan ko buong magdamag yung buhok niya. Yung proctor namin, si Mrs. Gonzales. Tawang-tawa talaga ako nung tinapik niya si Max para kunin yung stub tapos gulat na gulat si Max. =)) Napaka-boring nung test. Napakahaba nung time limit. [Okay, parang ang labo, 'limit'. :))] Tapos parang every after ng test, may break. So parang test, kain, test, kain, test. Parang hindi pa-umaabot sa tiyan yung naunang kinain na tapos kakain na ulit. HAHA. Labo. Edi yun. Dahil napakabilis naming sumagot, nung 2:00, tapos na yung NCAE. Eh ang sabi sa amin, mga 3:30 pa yung dismissal. Tapos dapat gagawa pa kami nung sa Music hanggang 5:00 pero nagkatamaran na kaya wala na lang. Anyway, nagkayayaan kami sa Mcdo. :)) Kahit walang pera, pumunta pa rin kami. Naghati na lang kami ni Kristine sa isang large fries at sa spaghetti. [Okay, baon na ako sa utang. :))] Nung nabuhos yung coke ni PQ [kaya nasabawan yung fries :))], panalo yung isang babae. Tumulong siya kagad, pinunasan niya yung table tapos pinalitan yung coke. Tapos nung nagpipicture naman kami, sabi siya na lang daw kukuha. K. Nung malapit na mag-3, bumalik na kami sa school. Sabi namin kay manong guard, gumawa kami ng project. :)) Tapos nadaanan din namin si Trixie. Sabi niya, "Elena, kawawa naman dun si Maxine, nakaupo sa sahig." Okay, natawa ako dun. :)) Ayun, nakaupo nga siya sa sahig. Hehe. Tapos hinintay namin si Tito Teddy at umuwi na kami.

Kanina naman, shortened periods. May mass at theme launching kasi. At in-announce na
CHAMPION ang BADMINTON VARSITY
sa AAPS Tournament, headed by their TEAM CAPTAIN,
MAXINE DE LA COSTA.

HEP HEP, HURRAY!!!

HR: "Excused" ako sa pagtulong sa paggawa nung poster. Inayos ko kasi yung seat plan pati yung attendance. Basta.
Eng: Nanood kami ng Troy. :)
Rel: Wala si Sir. English ulit.
Eco: Naging Research.
Pinoy: Nagbunutan ng pairing.
Physics: Naging Eco.
Trigo: Nag-discuss.
TLE: Pinakita na sa wakas yung test papers. Panalo. :)) Panalo talaga. :))

Ayoko nang pumasok. Sana Graduation naa. Di bale less than 7 months na lang. :D

1 comment:

Say what?