8.09.2008

Dahil sa katamaran

In fairness sa akin, masasabi kong masipag ako sa araw na ito. Kasi ganito yun.
Edi kaninang umaga, gumising ako mag-isa. Pagkamulat ng mata ko, tumayo ako kagad. Naghanap muna ako ng tao. Umalis na pala sila mama. Edi ayan. Diretso ako sa kusina. Nagluto ako ng breakfast ko. Nagpainit din ako ng tubig para sa aking pagligo. Edi ayan. Mainit na yung tubig. Natapos ko na rin ang pagluluto. Iniwan ko muna yung pagkain ko sa table at naligo. Pagkaligo, edi siyempre nagbihis ako. At kamusta naman, wala pa pala akong blouse. So habang kumakain ay namalantsa ako. Kamusta naman. :)) Kasi naman sinabi nang may pasok ako eh. Tsk. Anyway highway. Edi ayan tinapos ko na ang mga bagay-bagay na kinakailangan at bumaba na kasi sasabay lang ako kina Max. Ayun. Wala lang.

Ngayon naman, nasend ko na kay Ms yung kailangan para sa Monday. Tapos kasalukuyan ko na ring ginagawa yung Ateneo essay ko. Kasi naman eh. Ang dami pang kachorvahan. At kamusta naman ulit. Sa Friday na ang deadline nito. Goodluck na lang sa kung papaano at kailan ko ito ipapasa. HAHA.

Kamusta naman ang kabanalan namin mamaya. Dalawang misa ang kakantahan namin. :)) Ngunit subalit hindi ko mawari kung papaano kami pupuntang church eh wala sina Mama, Daddy, Ysa at Marian. HAHA.

Naeexcite na ako para sa kainan bukas kahit na kami lang ata ni Ate Rasz ang Doquenia dun. HAHA

Narealize kong ang weird ng title ko. :))