8.16.2008

Funneh :))


Tawang-tawa talaga ako sa ginawa ni Marian kahapon. =))

Ganito kasi yun. Edi ayan, nagpagas kami sa Petron sa may West Ave. Hiniram ko sa kanya yung hair brush na green ni Ate Rasz. Tapos nung tapos na, kinuha niya sa akin. Edi ayan, nasa West Ave pa rin kami. Tapos nung nasa may tapat na ng Mister Kabab, biglang nalaglag ni Marian yung suklay. :)) [Okay, natatawa ako habang nagsusulat] Parang 'okay, bakit Marian? Bakit?'. HAHAHA. Tapos nung nasa may Smart na kami, tinanong ko sa kanya. :)) Edi mangiyak-ngiyak na siya. Sabi niya, kasi yung dapat na gagawin niya, ipapasok niya yung daliri niya dun sa may butas sa dulo nung suklay. Eh ang nangyari, hindi niya nalagay, tapos binitawan pa nung kaliwang kamay niya. HAHAHAHHA. Natatawa talaga ako ng todo-todo. :)) Tapos kinakabhan nga raw siya nung papunta kaming Cherubs. Baka raw magalit si Ate Rasz. :)) HAHA.


More kwento.

Naiwan ko sa bahay yung ID ko kahapon. Napagalitan pa tuloy ako ni Mama. :)) Buti na lang binalikan ni Daddy :] Hehe.

Pumunta kami sa GK Don Manuel. Antok na antok ako nang sobra sobra. Kasi naman, ginawa ko yung powerpoint ni Ate Mai hanggang mga 2:30am. Tapos in-accomplish ko pa yung Ateneo ekruh ko. Ayun. Nung umaga, dun kami sa Sibol (Day care center nila). Nung tanghali, nakibahay kami. Napunta ako sa bahay kung nasan sina Maeka at Pauline. Antok na antok talaga ako. Wala lang. HAHA.

Hindi na ako sumama sa pagpunta sa lugawan. Haha. Hindi ko lang alam kung natuloy sila. :)) Kasi naman, 'tong si Harvey, nag-absent. Tinamad na rin tuloy akong sumama. Haha. Kasi ang balak ko, sasama lang ako kung sasama si Lara, kasi dapat magcocommute kami pauwi. Eh hindi na rin siya sumama. Kaya hindi na rin ako sumama. Haha.

May nakita akong kapareho ng shirt ni *tooot*. Akala ko siya yun. HAHA. Sinundan ko pa ng tingin. :))

I'M ALL ALONE - ALL ALONE - ALL ALONE.

Si Daddy, nasa Pangasinan ata. Si Mama, nasa PUP. Si Ate Mai, nasa SM ata at mamaya ay manonood ata ng game. Si Ate Rasz, magpapadentist. Si Ysa, sumama kay Ate Rasz. Si Marian, kasama ni Mama.

Ano ba.

No comments:

Post a Comment

Say what?