3.01.2008

GM

Hmm. Bakit nga ba mahilig ang iba na mag-GM. Mali. Mag-send pala ng GM. (GM means group message, in case hindi mo alam. Hehe. :P)

Anyway, oo nga. Bakit nga ba? Eh ako, hindi naman. Bakit din? Haha. Okay. Mukhang walang patutunguhan itong post na ito. Hahaha.

Ilang mga hula ko kung bakit:

1. Nagpaparinig (Ito yung mga taong magsesend ng gm or kunyaring gm para hindi diretsong sabihin dun sa sesendan niya ng message para hindi halata. Haha. Gets niyo ba?)
2. Nagpapapansin (Ito naman yung mga walang magawa sa buhay. Nagpapapansin kasi walang nagtetext sa kanila kaya dinadaan na lang sa pagggm. Paraan din nila iparating na naaalala ka nila in an inderect way.
3. Nagtitipid/sinusulit (ito yung mga taong sinasagad na nang todo todo yung Unlimited para sulit ang P20.)
4. Nagmamayabang (mga post-paid subscribers na nagmamayabang kasi line sila. Haha.)
5. Friendly lang talaga
6. Hindi mapigil ang daliri
7. Trip lang talaga kasi once in a blue moon lang gumamit ng cellphone


Okay. Ang weird naman ng post na ito. Hahahahaha =))

No comments:

Post a Comment

Say what?