7.27.2011

Walang Pasok

Okay, halos tatlong araw kaming magkakasamang lahat dito sa bahay 24/7.

Nung Monday, walang pasok dahil sa SONA. Morning nun, sobrang hindi ako makapag-aral dahil ang ingay na nga ng shooting range na katabi ng bahay namin sa kaliwa, maingay pa yung construction ng Maynilad sa kanan, sabayan pa ng panonood ng movie ng mga kapatid ko. So ayun, nagluto ako ng omelet for brunch tapos pumunta na ng Starbucks West ng mga 11. Sobrang tahimik :] HAHA. At ilang oras ding ako lang yung customer dun :)) Tapos walang free wifi kaya hindi ako nadidistract ng internet. Pero may nasagap akong wifi, galing ata sa bahay malapit dun. So ayun. Sarap ng Mocha Frappe forever :] Tsaka ng Honey Glazed Donut :] Nakapag-aral naman ako ng husto para sa EEE.

Tuesday. 6am umalis na sa bahay kasi lahat kami ihahatid. STCQC then UERMMMC then Pail and Shovel sa Cubao tapos ako last. Medyo nalate pa ako ng mga 10-15 minutes sa exam. So yun, keri naman siya. Naiinis lang ako kasi nung SEA 30 ko na, bigla kong narealize na may mali akong answer. Baligtad yung signs :| Basta dun sa graphing ng V_out ng diode. Anywayyy. Naiwan ko na naman yung payong ko sa CASAA. At hindi lang yun, nadulas pa ako sa ikot nung pababa na ako. (Haha, lutang after EEE exam.) Tapos yun. Nagstay ako sa TLC hanggang 1. Nagsuspend pala ng classes HS pababa. Tapos wala kaming lec ng 140 sabi ni sir. So plan ko na nagstay sa Cafe Iana habang naghihintay mag-3 para sa PE. Eh ayun, tinext ako ni Mara na inannounce na ng Chancellor na suspended na. Yay. So pumunta pa rin ako ng Iana para maghintay ng sundo. Sakto naman si Ate Rasz, nasa Philcoa siya so nadaanan na muna siya bago ako sinundo. Tapos uwi na. Mga 2 ata kami nakarating sa bahay. HP 1, 2, & 3 marathon magdamag. Tapos tulog.

Wednesday. Mga 5am, gumising ako at pagtingin sa net, walang pasok lahat ng levels. Balik sa pagtulog. Mga 8 or 9 ata ako bumangon. Tapos yun nood ng movies, kain, etc. Nag-aaral na rin ako for Stat. Oha oha. Mcdeliveryyyy. Grabe adik na ako sa cheeseburger. Sayang pag-Hiphop Abs ko nung summer :))) Ohwell.

No comments:

Post a Comment

Say what?