8.05.2010

Getaway!

Just wanted to share my writeup about our Bit-Byte Getaway :)

---

Ilang araw ko nang sinusubukang magsulat ng write-up tungkol sa getaway namin ni Byte pero parang hindi ko masimulan nang tama. Type ako nang type pero parating Ctrl+A at Delete ang kinahihinatnan ko.

Heto na talaga, sisimulan ko na.

Sa tuwing ako ay nagpapasig sa mga members, ang tanong nila kadalasan ay kung sino ang Byte ko. Sasagot naman ako kaagad, “Si David.” At may follow-up question pa sila, “Bakit si David?” Ang kadalasan kong sasabihin, “Kasi friend siya ng blockmate ko.” Parang weird yung dating sa akin ng sagot ko kaya minsan napapaisip na rin ako, “Bakit nga ba si David? Anong meron sa kanya at nag-bid ako ng hanggang P650 para siya ang maging Byte ko?”

Hindi ko rin mawari ang sagot sa mga tanong na iyan. Pero pagkatapos ng aming getaway, unti-unti ko na rin sigurong naintindihan kung bakit.

Pumunta kami ng byte kong si David sa TriNoma para sa aming getaway. Marami kaming nakasabay na Cursor mems and apps sa jeep papuntang TriNoma. Mga past 12 na ata nung nakarating kami doon. Kani-kanyang bili muna kami ng lunch at pagkatapos ay nagkwentuhan habang tinatapos ang aming mga pagkain. Kasama nga pala namin sa getaway sina Joy at si Julian.

Sunod kaming pumunta sa TimeZone at nilibre nila kami. Una kaming naglaro dun sa may basketball. Yun ata yung first time ko na itry yun. Okay naman pala. Nagbigay pa ng tip si Byte kung paano magshoot ng ball. Ayun, dumami naman ang nashoot ko. Ayos. Tapos, dumiretso naman kami dun sa Music Zone. Doon kami nagtagal. Kantahan lang nang kantahan. Magaling pala si Byte kumanta. May voicing pa silang nalalaman ni Julian sa tuwing duet sila. Naamaze talaga ako doon. Ang pagkakaraoke ang nagging huling activity namin doon. Hinatid pa nila kami ni Joy hanggang sa SM para doon makapara ng masasakyang jeep.

Sa aking daan pauwi, marami akong narealize. Masaya silang kasama. Kumbaga sa MagicSing, ang score ko para sa kanila ay 100. At kung online ako nung time na yun, siguro nag-Plurk na ako ng dancing banana.

Mas nakilala ko si Byte dahil sa getaway. Nalaman ko ang ilang hilig niya gaya ng pag-eexperiment ng iba’t ibang sauce. At siguro, mas nakilala ko ang pagkatao niya. Napakabait niya. Walang halong pambobola iyan.

Balikan natin yung tanong ko kanina. Bakit si David? Siguro walang concrete o specific na dahilan. Masuwerte lang siguro talaga ako. Handa siyang tulungan ako. Handa siyang ishare ang sarili niya. Sinasabi niya kung ano ang nasa isip at nararamdaman niya. Minsan feeling ko, hindi ko nagagawa ang part ko bilang bit niya. Mas effort pa siya kaysa sa akin. Minsan din, kapag pumapasok sa isip ko ang pagde-defer, mawawala na lang bigla ang thought na yun dahil sa Byte ko. Hindi tamang iwanan ko siya.

Kahit hindi ako mag-succeed sa application, wala akong regrets na pinasok ko ito. Ang Byte ko ay hindi na lamang ‘friend of a friend.’ Siya ay bago kong kaibigan at hangad ko na mas lalo ko pa siyang makilala at tumagal ang aming pagkakaibigan sa paglipas ng panahon.

No comments:

Post a Comment

Say what?