3.24.2010

Next Time

Nakakairita lang talaga ang katamaran ko ngayong second sem. Jusko. Nagsisisi na ako nang bonggang bongga. Nakakaiyak lang. :'(

Alam mo yun, alam ko sa sarili ko na kaya ko pang higitan yung ginagawa ko na, ang tamad ko lang talaga. Napakatamad. Nakakainis lang. Ang ewan lang din nung pakiramdam na alam mo na ganito kakaunti na lang at nasa list ka na. Jusko.

Siguro kasi simula pa lang alam ko na damang-dama ko na na hindi ko naman kakailanganin yung makukuha ko, na lilipat lang din ako. Naiinis lang ako sa sarili ko na hindi ako nagdecide nung simula pa lang.

Eto na naman ako, next time talaga. Sinusumpa Pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko na lahat-lahat sa abot ng makakaya ko.


// Dadagdagan ko 'to later. Mag-aaral na ako. Cramming na 'to 'teh.

No comments:

Post a Comment

Say what?