Paulit-ulit nang nasabi
Mga pangyayaring ganito
Laman ng sari-sariling awitin,
Tula at iba't ibang kuwento
Kahit na sa pelikula
Mula doon hanggang dito
Pilit na gustong hulihin
Kurot at kilig ng puso.
Pero kung ako ang tatanungin
Kung ano aking damdamin
Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko,
Kahit ano pang tula't awitin
Sigurado akong kakapusin
Masukat ang ligayang dulot mo.
Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula
Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa.
Paulit-ulit nang nasabi
At kay tagal pang hinintay
Pinangarap, pinantasiya
Ang kakambal ko sa buhay
Ngayong tayo'y magkasama
Di pa rin makapaniwala
Itong suwerteng dumating sa akin
Na pumayag kang mahalin kita.
:)
I heart Juday and Ryan. HAHA!
No comments:
Post a Comment
Say what?