(LMAO)
Kanina, nakapag-register na ako. Ganito yung nangyari.
Dahil coding, nag-commute na lang kami ni Ate Rasziel patungong Diliman. Hinatid kami ni Lolo Papa sa may Pantranco. Bumaba kami sa AS at nagpa-xerox ng NSO Birth Certificate. Naglakad kami sa Beta Way papuntang Engg. (Okay, ang aga pa lang, pagod na pagod na ako.)
So yun, iniwan na ako ni Ate Rasz dun sa Auditorium. Nagsstart na yung College Briefing nun. So ayun. Sa likod na ako nakaupo. Ang tagal, in fairness. HAHA. Mga 10:30 na ata sila natapos magsalita saka lang nagsimula ang Advising.
Pagkatapos, naglakad ako simula Engg hanggang OUR (na parang 3x ng Beta Way. HAHA.) Kamusta naman. HAHA. So ayun. Nandun na ako. Nagsubmit ng credentials, pumuntang 3rd floor para sa Enlistment at Assessment. After nun, pumila ulit ako. Na-realize ko na 'Payment' na pala yung pinilahan ko, eh wala naman akong dalang pera. HAHA. So ayun, nagtanong ako. Sabi nga ng T-shirt nila, "More questions = Less hassle" (HAHA. Hindi ko maalala pero parang ganun.)
Anyway, so ayun. Bumaba na ako at kinatagpo sina Ate Rasz at Kuya Mikey para samahan nila akong maglakad hanggang Casaa. Sa sobrang gutom ko, kumain na ako kahit wala pa si Tintin. HAHA.
Kumain akong Roast Beef na P50 lang. Okay siya. Masarap naman. May konti pang mashed poatao. =)) Ayun, nung paubos na yung pagkain ko, dumating na ang ex-bestfriend ng ex-ultimate. (LMAO)
So ayun. Ang 'meeting' namin ay naging chikahan at tsismisan. So yun. HAHAHAHA. Dahil coding nga, sinundo na ako ng mga 2pm. Ayun. Umuwi na ako.
No comments:
Post a Comment
Say what?