I'm gonna die!! Actually, I'm dead. I'm dead. I'm dead. I died. I'm dead. Ugh. I really really hate this summer. I'm going to die because of boredom. Ugh. Ang epal epal talaga.
I am absolutely very irritated for the fact that I chose attending Recognition Practices instead of the Summer Camp. I am hating myself.
Yes, I'm very happy and proud that I made it again. One more year left! But -- a very big / huge / enormous BUT -- there is also one more year left for another Camp (as an 'official' member. haha.) Yes, I can go to the other camps (as a staff) after I graduate hopefully next year but -- again, a very big / huge / enormous BUT -- my decision broke my panata. Nako. Pero dahil dito rin, hindi ako nakasira ng isa ko pang panata.
Ganito kasi yun. (Magtatagalog na ako kasi talagang bad trip na bad trip ako. Ang epal kasi ng pagkakataon.)
Matagal ko nang pinangako sa sarili ko (Well, siguro nung Prep pa ako. At medyo mga 10 years ago na yun) na tatapusin ko ang pag-aaral ko sa STC na may recognition. Gagawin ko ang lahat para maging OS ako. 'Yan ang goal ko taon-taon. At eto na nga. Isang school year na lang at magiging successful na ako dito. Thankful nga ako na sa STC ako nag-aral kasi talaga namang mataas ang standards dito.
Pinangako ko na rin sa sarili ko simula nung sumali ako sa Cherubim (Nung Grade 4 ako) na sa abot ng aking makakaya, magpaparticipate ako sa lahat ng activities, especially ang pinakahihintay at pinakaaabangang summer camp. Lagi ko talagang inaabangan ang summer camp. Masaya eh, bakit ba. At madaming madami ka talagang matututunan sa Cherubim. Madami talaga. Mahal na mahal ko na ang lahat ng tao dito. Grabe. At goal ko rin na maging Junior Staff. Sa normal na sitwasyon, itong camp na ito na dapat ang 2nd to the last ko.
NGUNIT sa mga hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan kong mamili. Bigla ko tuloy naalala yung sa PBBTEP (yung mga sinabi ni Robi at Rona.) Parang ganito: May mga pagkakataon na kailangang may hawakan na ang kapalit ay bitiwan ang isa pa. Hindi ito nangangahulugang hindi ito importante para sa'yo. Talagang ganyan ang buhay. At saka, may plano ang Diyos kung bakit ito ang nangyayari.
No comments:
Post a Comment
Say what?