Dahil sa nakakapagpabagabag na ang mga nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo, minsan sumasagi sa isip ko na siguro ay totoo nga na end of the world na sa 2012. Nakakatakot. Nakakakaba. Madami pa akong gustong mangyari, madami pa akong pangarap.
Gusto ko pang dumating yung araw ng graduation ko. Gusto ko pang dumating yung araw na una akong makakatanggap ng sweldo. Gusto ko pang dumating yung araw na makakabili ako ng bahay para sa mga magulang ko. Gusto ko pang dumating yung araw na may sasagutin akong lalaki. Gusto ko pang dumating yung araw na ikakasal ako sa simbahan. Gusto ko pang dumating yung araw na makakasakay ako sa eroplano at lilibutin ang buong mundo.
Ang emo man ng dating nito, seryoso ako.
--
Okaya dahil lang ito sa katamaran kong gumawa ng acad stuff. Haha. Jk.
--
Kanina ko lang nalaman yung title at yung buong lyrics nung kantang may 'party like, like it's the end of the world.' Seryoso. 2012 pala yun. :|
Pero cool pala, may optimistic na line na: 'It ain't the end of the world.'
No comments:
Post a Comment
Say what?