11.23.2010

Stranded

Bilang mahaba naman ang break ko, ibblog ko na lang yung nangyari kahapon.

For this sem, tuwing Monday, CWTS lang class ko, 9am-12nn. At dahil coding yung yellow car tuwing Monday, either hinahatid kami nina Lolo't Lola hanggang UP or hanggang sa sakayan lang tapos commute na kami ni Ate Rasz.

Kahapon, hinatid na lang kami ni Lolo sa may Pantranco tapos nagcommute kami hanggang Philcoa then Philcoa to UP. Dahil mga 9:20am na ata yun, hindi ko na inikot hanggang makarating sa Engg, bumaba na ako sa may AS at tumawid ng Beta Way. Pagkarating sa Engg Theater, ayun, wala pang nangyayari. mga 9:30 siguro nagstart yung class. Mga past 10am, dinismiss na rin kami. Bilang may Awitan practice pa, nagstay muna ako sa UP. Kumain ako sa Rodic's ng tapsilog. Ang mahal naaaa. Grabe, P70 na, ang pinakamurang halaga nun dati, sa pagkakaalala ko, P55.

Anyway, ayun na nga. After ko kumain and stuff, nag-ikot na ako papuntang DCS, nakasabay ko pa boyfriend ng classmate ko dati. Haha, K. Wala lang. Pagdating ng DCS, nag-TLC na lang ako buong magdamag. Mga past 1:30pm na ata nag-start yung practice. Una, doon kami sa likod at dahil biglang umalan, dun na lang kami sa may guard. Finally, natapos na rin naming aralin yung piece at napakinggan ko na siyang buo, fun naman pala yung song. :) Mga quarter to 6 natapos yung practice.

At dahil sa coding nga kami nun, (wala pang 7pm) at madilim na at natatakot ako magcommute pauwi, pinuntahan ko na lang si Ate Rasziel sa Mushroomburger Katipunan kung saan inaayos nila yung thesis nila ng partner niya. Pagkadating ko doon, may nakita pa akong PE classmate. Haha. Anyway, ayun, umorder ako ng Upsize na M3, Cheeseburger na may large pepsi at large fries. Sarap! :)) After a while, umalis na rin theis partner niya kasi may family dinner ata or something.

Eto na.

Tinext namin si Mama na magkasama na kami ni Ate Rasziel sa Katipunan tapos biglang tumawag si Mama. She told us na hindi pa nasusundo yung STC kids, super traffic daw. Grabe lang ha, 3pm kasi dismissal ni Marian then 4pm yung HS. So bale mga 3-4 hours na silang naghihintay ng sundo. :( Kawawa naman si Murian. Huhu. Super baha daw kasi kaya super traffic. Nabaha yung nassa harap ng gate sa bahay so hindi makalabas yung mga kotse. Mga 4pm na raw nakalabas sa bahay sina Kuya Nel and si Tito Teddy. Ang susunduin ni Tito Teddy, sina Tita Mila and Mama sa Savemore Araneta. Usually, mga 15-20 minutes lang ang travel time from bahay to that area, pero yesterday, more than two hours. Yung sa STC naman, 20-30 minutes lang from bahay kapag yung usual traffic lang. But no, halos 3 hours yung kahapon. Haha, ang funny pa nga kasi sina Marian raw, pinakain na ng faculty kahapon. Anyway.

Kami naman. So yun na nga. Tinext namin si Ate Sam kung nasa Ateneo pa siya, ayun nandun nga, kakatapos lang ng training niya.

(Wait ang haba, hahaha. tinatamad na ako. itutuloy ko na lang mamaya or bukas or whatever. hahaha.

No comments:

Post a Comment

Say what?