2.01.2009

Dahil damang-dama ko ang pressure.

EDIT.

Ang saya ng outbound! =) Papunta kasi ako sa party. Epal eh. :)) [Oo nga, hiniram ko na lang dapat jersey ni Max, para naman hindi mahapdi yung batok ko ngayon.]

Pero dapat nagpaiwan na lang ako sa bundok. Kasi naman, ito ang mga kailangang tapusin:

  • Physics: Experiment Report

  • Physics: HW - hindi ko pa talaga tapos, pero ang sabi, okay lang daw na hindi ko muna gawin para magawa ko yung kasunod:

  • Mag-REVIEW para sa Olympiad

  • English: summary/table per canto

  • Economics: magreview para sa quiz (since wala ako nung naglecture) Okay, hindi ako makapag-aral. Ewan ko kung sang lupalop napunta ang libro ko. Kasi naman eh, hindi kasi kailangang pakielaman yung kwarto ng may kwarto. Sinabi nang wag ayusin eh, pero ano, sige ka lang nang sige. Leche.

  • Religion: prayer per pwesto (Okay, ang labo nung instructions dito)

  • TLE: Chapter 1 at yung para sa demo na ewan ko ba kung matutuloy kasi naman may Olympiad kasi

  • GradCom: yung sa Symbolic Offering


Naman. NAMAN.

Alam mo yung nakakairita? Eto na yun eh. Bawat isang tao feeling nila dapat sila yung priority. Dapat yung pinapagawa nila yung unahin. Epal eh. Gusto ko namang minsan sa isang linggo, makauwi ako na nasa tamang oras. Gusto ko na hindi na ako maging abala pa sa schedule ng sunduan para hindi na magulumihanan sina Mama. Ugh.

Mag-absent na lang kaya ako sa Monday?
Joke.
Seryoso.

No comments:

Post a Comment

Say what?