Ang sarap ng feeling na wala kang maramdaman. Walang kahit na anong bumabagabag sa iyo. Manhid ka na sa mga bagay-bagay.
Ito yung nadama ko kahapon. Parang ayoko na ngang lumabas dun sa operating room eh. Basta ang sarap ng feeling. [Sinabayan pa nung mga mellow na mp3 na tinutugtog nung nurse gamit ang cellphone niya. :))]
Anyway. Absent ako ngayon. Sumasakit kasi kahit na naggamot na ako. Gusto ng katawan kong humiga lang. Ni hindi ko nga maituwid yung ulo ko kapag nakatayo/nakaupo ako eh. Masakit eh.
Dream come true ang ma-operahan. :)) Feeling ko, nasa Grey's Anatomy ako. =))
Nakakatawa pa nga kahapon eh, [parang, ano baaa. :))] Kasi naman, pinag-uusapan nila kung ano na yung ginagawa sa leeg ko. Kunyari, papaabutin yung gunting, okaya naman dumudugo, okaya naman tinatanong kung 'yun na ba yun?'. Basta yung mga ganung bagay :))
Ayun. HAHA.
Sinubukan kong magbasa ng Daluyong. naka-3 pages naman ako. =))
No comments:
Post a Comment
Say what?