Nung dismissal sa Gate 3, pinag-uusapan namin ni Max yung mga ggraduate sa 2009. Si Ate Mai, Ako, si Max, si EJ, si Alex, Si Ysa, at si Immo. Amazing! Bigla namang napag-usapan namin yung magaganap sa March. Kung sa aming Doqs, 3 ggraduate. Sa kanila, graduation nilang 2 (Max & Alex) tapos debut naman ni Ate Sam. Mas gusto daw ni Max na mag-trip kaysa magdebut. [Bigla kong naalala nung Intrams last SY, napag-usapan namin (qadraculls) ito. :P]
Haha. Napagnilayan ko na yun dati pa. :)) Pero napagdesisyonan kong gusto kong mag-debut. Haha. Wala lang. Kasi kapag trip, mahal na nga, konti lang makakasama. Pero kapag-debut talaga, isa itong bonggang party kung saan nandoon lahat at forever mong ittreasure yung memories dito. HAHA. :))
At ang amazing naman dahil bigla naming napag-usapan yun ni Tintin. Habang pinapanood ang In Transit sa kumanta't sumayaw ng Bawat Bata, pinag-isipan na namin kung sino ang mga imbitado. :)) Pati na rin ang kasalatan ko sa mga lalaking pwedeng isama sa 18 roses/dances[whatever] (as in zero.), kung saan naman sobra-sobra pa yung kanya. :)) Pati yung theme. Gusto naming dalawa na formal. Haha. Para naman matupad ang pangarap kong makapagsuot ng gown dahil hindi pa at alam kong never akong makakapag-prom. HAHA. :))
- - -
Panalo talaga ang Tintin and Julia powers. :)) Natatawa lang talaga ako. :)) Nandun pa naman si Mommy. AHAHAHA. =)) Heart cherubs. :}
- - -
Hindi nga pala kami na-observe kanina ng accreditors. Ang ewan. Handa pa naman ang lahat. Tsk. HAHA.
Bukas na ang group interview. HAHA. Kamusta naman.
- - -
Dahil karamihan ng Seniors ay gumagawa ng post tungkol sa Tonight I Can Write ni Pablo Neruda, gagawa na rin ako. :)) HAHA. Ewan ko. Hindi naman ako apektado. :))
Natatawa lang kasi ako kasi tandang tanda ko pa na GM (o sa akin lang tinext :)) nung isang tao yung lines na yan. Epal. HAHA. Whatever.
- - -
Ano pa ba?
Ahh. Ang galing nung sa Physics kanina. Haha.
- - -
Lagi ko lang naiisip na oo, tama. Talagang iilan lang ang nakakaappreciate ng music na naaapreciate ko. At alam kong matatalinong tao yun. HAHA.
Buti talaga naging Cherubs ako. HAHA. Kung hindi, walang direksyon ang kamulatan at kaisipan ko. Hindi siguro ako kung sino ako ngayon kung walang Cherubs. Haha. Emo. Wala lang. Last year ko na sa Cherubs. :( Ni hindi man lang namin ng mga ka-batch ko (pati na rin ng batch nina Ate Rasz) nadama na kami yung SENIORS. Sa pagkakaalala ko, matagal ko na yung inaasam, yung maging leader na as in leader talaga. Medyo naaalala ko pa na may buddy system talaga sa bawat pag-alis, etc. Basta. Grade 4 pa lang ako nun tapos ang taas ng pagtingin ko sa mga Seniors noon ('03). Eh ngayon. Naman. Sana sa summer ma-feel na namin.
- - -
Kamusta naman ako. Nagpupuyat. :))
No comments:
Post a Comment
Say what?