Inhale, exhale. Again, inhale and exhale. And last, inhale, exhale.
Hindi ko akalaing magagawa sa amin yun ni Ate [helper's name here]. Pinagkatiwalaan namin siya. Never namin siyang pinagsuspetsahan. All the while, lagi naming pinipinpoint yung taga-baba.
My God. Ngayon, nagsisisi ako kung bakit ko pa siya pinilit na bumalik dito. Kasi naman eh, napakatamad ko. Leche. At dahil sa katamaran kong ito, marami ang nawala. Kamusta naman.
Kung hindi lang ako magmumukhang tanga kung sasapukin ko ang sarili ko, ginawa ko na dapat yun. Naman kasi.
"Akala ko talagang burara lang kami, yun pala talagang may nagtatago." - Ate Rasz.
Nakakainis naman kasi. Bakit ba nung Friday lang namin na-figure out ang mga nangyayari.
Naman talaga. @#$%^&*().
Ilang damit ko at ng aking mga kapatid na kaya ang naiuwi niya at ipinamigay sa mga pamangkin niya? Ilang hikaw / bracelet / necklace / watch na kaya ang naisanla niya? Ilang gamit na kaya ni mama at daddy ang naipamigay o naipangregalo niya? Magkano na kaya ang naipusta niya sa tuwing makikipag-tong siya sa baba?
Tatlong taon din yun. Ilang beses na rin siya umuwi sa kanila.
"Panginoon, patawarin Niyo po siya sa kanyang pagkakasala sapagkat hindi niya alam ang kanyang ginagawa." - Lola Mommy
Nakapag-isip-isip na kaya siya sa mga kasalanan niya?
Kanina kasi, parang wala lang sa kanya eh.
Nung sinimulan ko ngang maghalungkat para maghanap ng kinuha niya, kinausap ko muna si Lord.
"Hindi naman tayo masasamang tao, anak eh." - Daddy
Nakakapagpabagabag lang kasi talaga.
How could she?
Ewan ko kung nasaan na siya ngayon. Basta pinauwi na namin siya.
No comments:
Post a Comment
Say what?