9.15.2008

Random

I took the ACET yesterday. Feeling ko mas maganda performance ko dun kaysa sa UPCAT. [Sigh.]

Anyway ito ang nangyari. Edi super traffic. Kaya nung medyo malapit-lapit na yung HS, tsaka na lang ako naglakad. May mga nakasalubong akong Theresians at sinabing madali lang yung test. Edi yun, may tumawag sa akin. Si Rai! Haha. Sumama ako sa kaniya, kasama ang kaniyang mga friends. :) At napainit ng panahon. Jusko.

Tatlo kaming Theresians dun sa Rm27. Okay lang yung test. Nung pauwi na, kasama ko si Cumpas na sumabay kina Rai na naglakad mula sa HS patungo sa Mcdo Katipunan. Kamusta naman.

Nandun na ang aking mga sundo, naghihintay at gutom na gutom na. Haha. Pagkatapos ay kumain kami sa labas para icelebrate ang birthday ni Mama. Pagkauwi, nanood ng PDA. Dapat si Bugoy yung nanalo, hindi si Laarni. Haha.

Nakatulog na ako agad dahil sa sobrang pagoood. Jusko. Maglakad ba naman ng isang kilometro na nakasuot ng wedges. Kamusta naman.

Ayun.

Kanina nga pala, may isang epal na babae. Ay hindi lang pala kanina. Forever na lang. Jusko talaga. Nakikialam eh. Nagmamarunong. Jusko. Epal. Iiyak na nga dapat ako eh. Leche siya. Eh whatever siya. Hindi na nga marunong magbilang, hindi pa siya ... Ay 'wag na nga.

Ngayon, wala ako sa tamang pag-iisip. Nakakaloka ang ginawa ko. :)) Malandi. =))

No comments:

Post a Comment

Say what?