Friday na. Patapos na ang napakaising bakasyon. Ang lungkot naman :(
Natulog lang ako buong magdamag. Tapos pagkagising ko, tinatype ni Ate Mai yung church songs namin kaya akala ko Sunday na bukas. haha!
Hay naku. Marami na akong nagawang homework... pero marami pa ring hindi pa. Kasi naman anong klaseng sembreak naman meron ang STC. 1 week lang. Tapos may homeworksssss pa. :( Hay.
Malapit na birthday ni Marian. yey! haha :) Magsi-6 na siya sa Sunday. Naku tumatanda na siya. Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang nung pinanganak siya. Naaalala ko pa na brownout nun. Sina lola dito pa sa side ng bahay namin natutulog. Nung gabing yon natulog ako kasama nina Ate Mai at Ate Rasz sa kwarto nila na lumang kwarto ni Tita Maricar. Naaalala ko na hindi pa kami natutulog kahit na simula ulit ng classes the following day. Tapos biglang kumatok si Daddy. Eh baka mapagalitan ako kasi hindi pa ako tulog kaya nagtulog-tulogan ako. haha! Sinama nina Mama & Daddy si Ate Mai papunta sa St. Lukes. Ako, si Ate Rasz at si Ysabel ay lumipat ng kwarto papunta kina lolo't lola. Hindi kami makatulog. Tapos nung mga 11:30 o 11:45 pm na, biglang nagtext si daddy yata. Ayun. baby girl daw. tapos ang liit liit. Ayun. Si Ate Rasz nagtext sa mga Manuel an de la Costa na may 'Diegaling' na kami. Kasi si Diego kakapanganak lang din nung May. :) So, yun. :) haha!
No comments:
Post a Comment
Say what?