10.30.2007

Isang nakakapagod, nakakalungkot, nakaka-excite at nakakagalak na linggo. :)

Ok. So ito na yung nangyari buong week last week. :) (or at least yung mga hindi ko naikwento. haha)

Friday. 10.19.07.

Palihan. Pumunta na naman kami sa community. Sa AIB Sagada. Tapos, after lunch, simula na ng supervised practices para sa aming dance production. Super nakakapagod. As in uber. haha :)

Saturday. 10.20.07.

Pumunta sa bahay ang ilan sa mga Manuel Clan. Ang daming wala pero masaya naman. Aalis na sa Phils sila Tita Olive & Tito Bruce kaya may parang "tribute" kami sa kanila.

'Yan yung ginawa ko. Tapos nilagay pa yan sa frame. :)

Nakakainis nga lang kasi kaming Doqs ay hindi prepared. Gumawa pa sana ako ng slideshow. haha. Kanya-kanya nang pagpapakitang gilas. (hiyes. haha)
ayan si ate patricia. the one and the only ate patricia :) ang galing!

Tapos, may distribution of blessings. haha! Pagkatapos, umuwi na silang lahat. Naiwan pa nga ni Tita Cherem yung bag niya eh. Wala lang :)

Pinag-isipan ko pa kung sususnod pa ako sa aming praktis. 10 am pa kasi sila dun. Eh di napagpasyahan ko nag sumunod. Dumating ako siguro mga 4 o 4:30 pm na. haha :))


Pagkatapos, nag-jeep kami papuntang Mcdo Retiro. haha :D Tapos sinundo na ako. Sinabay pa namin si Hera hanggang Q. Ave.

Sunday. 10.21.07.

Nag-yellow shirt kami sa church. (Read my previous post for further information. hahaha :D )

Monday. 10.22.07.

30 min. per subject. Parang dumadaan lang yung bawat subject. haha :)) Parang kakapasok lang ng teacher tapos bell na.
After lunch, supervised practices na ulit. Nakakapagod talaga. Uber. haha.
Pagkatapos, pagkauwi, diretso sa UP. May rehearsals kami. Malapit na kasi yung TOWNS. Super gutom na ako nung time na yan. :|

Tuesday. 10.23.07.

Ganoon ulit. Shortened periods tapos supervised practices. Tapos, pagkauwi, ligo.. puntang Fairview. Birthday ni Immo.

Wednesday. 10.24.07.

Ganoon pa rin yata. (Hindi ko na maalala) Shortened periods tapos practices or whole day practices na yata. haha :)) Tapos diretso sa UP.

Thursday. 10.25.07.

Whole day practices. May per year level tsaka may dry run after lunch. Diretso sa UP pagkauwi.

Friday. 10.26.07.

Whole day practices. May per year level ulit. Super sinagad ang aming lakas. as i suuuuuuuuper. Ang tagal ko ngang nakahilata (haha!) sa bleachers eh. Diretso sa UP. Habang nasa kotse, change costume. Pagdating sa tapat ng AS, kain muna. :) May dala si Tita Au na galing sa Mcdo. Tapos, sumakay kami sa van ni Tita Au. Puro boys yung kasama naming 3 magkakapatid. Nakatulog ako sandali sa van. Tapos nakarating na kami sa Dusit Hotel.


Ang tagaaaal bago kami magstart. After kami kumanta ng National Anthem, we went straight sa kitchen and ate our chicken burger meal. Kakaaliw nung umikot kami sa kitchen... Ganun yung nasa TV. haha!
(Ate Rasziel + the Chef on the background + another man + the smokes. haha)

Nung matapos na yung last song namin, pumunta kaming Wendy's. Tapos umuwi na kami. Pauwi, yung mga ka-van namin ay nagsihirit ng mga pinaka-corny-ng joke na narining ko sa buong buhay ko. joke! haha :)) As in buong "biyahe" puro jokes. haha :))

Saturday. 10.27.07.

Family Day.

palaliman ng eyebags. haha :))

So yun. Nagstart na mag-make up at ayusin ang hair.

Tapos ayan na... kami na :) Tapos awarding na. Nakakalungkot nga lang hindi kami runner up or chamnpion. Pero ok lang. :) Sabi nga di ba ni Ms Geom, "WINNING is not the objective." at "Walang SISIHAN". Go III-5! St. Agnes, Pray for us! (wehh) haha :))

Ewan ko kung ako lang pero ang boring ng family day sa kabuuan. Basta. Boring talaga. Hindi na nga ako pumuntang concert nung gabi eh.

-Fin-

No comments:

Post a Comment

Say what?